
Ang personal na testimony ni Timmy MacKenzie
Dito nagsimula ang aking kwento. Ako ay ipinanganak noong Abril 10,1990 sa summerside, PEI, Canada. Ang aking mga magulang ay Kristyano. Pinalaki nila ako ng mabuti, kasama ang aking dalawang kapatid na lalaki at isang kapatid na babae. Ang aking mga magulang ay mga dedikadong bahagi ng assemblea ng mga kristyano na regular na nagpupulong sa spring field Gospel hall. Sa murang isip kami ay natuto sa salita ng Diyos ( na hanggang ngayon ay naalala pa rin namin.)
Mga Taga-Roma 5:6 TLAB
[6] Sapagka’t nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.
Mga Taga-Roma 3:23 TLAB
[23] Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
Noong ako’y nagbibinata, maraming nagbago sa aking paniniwala at sa aking mga kinikilos. Nagkaroon ako ng mga kaibigan at lage akong sumasama sa kanila at naging katulad nila. Napagdesisyunan ko na siguro walang Diyos, kaya di ko na kailangang mag alala tungkol sa bibliya. Nanunuod ako ng maraming pelikula, nagpupuyat ako sa gabi para ipagpagtuloy ang ganitong libangan. Nagkaroon ako ng aking unang kotse, ako ay nagmamaneho ng sobrang mabilis sa aming lugar sa loob ng tatlong linggo hanggang ako ay nagkaroon ng aksidente, nabangga ako sa poste ng kuryente. Himala lamang ng Diyos na ako’y nakaligtas at tanging hinlalaki ko lamang ang nasaktan.
Dahil ako ay nakatira pa sa aking mga magulang, tanda ng paggalang,lagi akong sumasama sa mga pagpupulong ng ibanghilyo. Kailanman hindi ako lumabag sa kanila.
Noong nagtapos ako ng high school, nagsimula akong magtrabaho. Nagkaroon ako ng isang karanasan na hindi ko makakalimutan. Isang umaga sa buwan ng taglagas 2009 ng kami ay papunta sa trabaho. May boses na nagsalita sa aking ulo na nagsasabi “Timmy ikaw ay isang makasalanan at nararapat na mapunta sa impyerno”.
Dahil dito, binago nito ang aking munting mundo at simula noon alam ko na kailangan ko ng kaligtasan ng aking kaluluwa higit sa anupaman. Sa sumunod na taon, tapat akong pumupunta sa bawat pagpupulong ng ebanghilyo.
Noong nobyembre ng 2010, gumugol ako ng maraming gabi sa pagdadasal, humihiling sa Diyos na ipakita sa akin kung papaano ako maliligtas. Dumating ang Panahon na ako’y nawalan na ng pag asa, hanggang isang gabi, 8:30pm ng nobyembre 28 may isang himno na inawit na nagsasabi ” Magtiwala sa kanya ng buong puso mo”. At ginawa ko iyon at agad nagkaroon ako ng kapayaan sa aking puso at kaluluwa.
Out of Christ, without a Saviour,
Trust Him with all thine heart,
Ere the door of mercy closes,
And you hear His word, “Depart.”
-“Out of Christ” Verse 5 – Frank M. Davis & R.F. Beveridge
Noong una, hindi ako sigurado kung ito ay totoo. Ngunit ako ay nagkaroon ng bagong kasiyahan sa puso ko, saya na walang katulad. Pagkalipas ng dalawang araw ako ay nagkaroon ng katiyakan dahil sa salita ng Diyos, labis ang aking pananabik sa salita ng Diyos.
Mga Taga-Roma 10:9 TLAB
[9] Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:
No responses yet